Inaprubahan na ng Commssion on Higher Education o CHED ang petisyon ng 313 pribadong kolehiyo at unibersidad na makapagtaas ng matrikula ngayong school year.
Ayon sa CHED, pinayagan nila ang mga paaralang makapagpatupad ng hanggang 6.48 percent na tuition hike.
Ipinaliwanag ng CHED na pinayagan ang naturang tuiton fee hike bunsod ng epekto ng inflation at bigyang daan ang pagsasa-ayos ng mga pasilidad sa mga kolehiyo at unibersidad.
Nilinaw naman ng CHED na di kasama sa taas matrikula ang mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa mga lugar na matinding napinsala ng bagyong Yolanda.
By Ralph Obina