Laglag sa kamay ng mga awtoridad ang isang kilabot umanong tulak ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa ND Balderama St., Brgy.Bambang, Pasig City.
Si Alejo Garamay Jr., alyas “Nognog”, 34 taong gulang, ay nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasig Police sa pangunguna ni PLt. Kenny Khamar Khayad.
Nasabat sa operasyon ang buy-bust money at pitong sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng higit P54,000 at isang pouch.
Sasampahan ang suspek ng reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.