Bumigay ang isang tulay sa Aurora matapos ang ilang araw na malakas na pag-ulan sa probinsya.
Dahil dito, istranded ang mga sasakyan sa tulay na kumukunekta sa mga barangay sa Dingalan.
Dahil dito nangangamba ang mga negosyante sa naturang bayan na malaki ang magiging epekto nito sa kanilang kabuhayan.
Samantala, ilang residente naman ang piniling tumawid ng ilog sa kabila ng malakas na agos nito para lamang makarating sa kabilang dulo.
By Ralph Obina