Handang humarap sa Senate Blue Ribbon Committee ang broadcaster/columnist na si Ramon Tulfo ng Isumbong Mo Kay Tulfo sa DWIZ.
Inihayag ito sa DWIZ ni Tulfo makaraang mabanggit ang kanyang pangalan sa hearing ng komite hinggil sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).
Pinagtawanan lamang ni Tulfo ang alegasyon ni dating Immigration Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles na tumanggap siya ng limang milyong pisong (P5M) suhol mula kay kay gambling tycoon Jack Lam.
Desperado lamang anya sina Argosino at Robles dahil nabuko ang pangingikil nila kay Jack Lam.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Ramon Tulfo
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)