Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Carmona, Cavite ang “Tuli on Wheels”.
Ito umano ay para sa mga batang nais nang magpatuli ngunit hindi makalabas o makapunta ng ospital dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa loob umano ng van na ito isinasagawa ang pagtutuli habang nakatigil sa harapan ng bahay ng bata.
Ang naturang van umano ay dating mobile dental vehicle ng lokal na pamahalaan.
Tiniyak rin ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng mga magpapatuling bata gayundin ang mga doktor at nurse kung saan nakasuot din umano sila ng personal protective equipment.