Pagbibigay proteksiyon at tulong sa mga manggagawa, kabilang ang mga nasa hanay ng economic zones.
Ito ang isusulong ni OFW Partylist 2nd nominee Jerry Alfante sa Kongreso sakaling palarin na maging mambabatas sa May 9,2022 elections.
Ayon kay Alfante, itutulak niya ang pagpapatayo ng mga technical schools sa lahat ng mga munisipalidad at lungsod sa bansa.
“Hindi naman kailangan ng malaking pondo para makapagpatayo ng technical schools. Ilalapit natin sa kanila ‘yung eskwelahan para matuto sila [estudyante]. Ang assurance naman du’n, lahat ng mga graduates [ng consumer electronics course] ay kukunin natin sa economic zone[s],” wika ni Alfante.
Sinabi pa ng congressional aspirant na bagama’t available na ang tech-voc at iba pang short courses sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay hindi naman nito naaabot ang lahat ng mga mahihirap na lugar sa buong kapuluan.
Samantala, bilang consultant aniya ng BBM-Sara Movement International, suportado naman ni Alfante at ng OFW Partylist ang kandidatura nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte.