Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang bibigyan ng tulong at suporta ang naiwang pamilya ng 31 taong gulang na Police Investigator mula sa General Santos City na nasawi bunsod ng COVID-19.
Ayon kay PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar na ang naturang pulis ay nagpositibo sa virus noong Agosto 5 ilang araw bago nito isilang ang kanyang anak na lalaki.
Dahil dito, siniguro ni Eleazar na kanilang ibibigay ang naaangkop na tulong lalo na sa naiwang anak.
Kasunod nito, pinaalalahanan ng opisyal ang lahat ng mga police commanders nito na huwag i-deploy ang mga buntis nilang tauhan para hindi mailayo sa banta ng COVID-19.