Makatatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño phenomenon.
Ito ang resolusyong ipinasa sa ginanap na pagpupulong ng Task Force El Niño kamakailan.
Matatandaang noong unang linggo ng Marso, nagdeklara ang Zamboanga ng state of calamity dahil sa nararanasang matinding tagtuyot.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Officer Elmer Apolinario, isinasaalang-alang ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng cloud seeding upang madagdagan ang suplay ng tubig.
Patuloy rin ang pagpapatupad ng water rationing scheme ng Zamboanga City Water District (ZCWD).
Tinatayang aabot sa P27 million ang naitalang pinsala ng El Niño sa agri-fishery sector.