Lumarga na ang tulong kabuhayan sa balik probinsya program ng gobyerno makaraang simulan ang inisyal na distribusyon ng mga alagang baboy para sa balik probinsya, bagong pag-asa program beneficiaries.
Ayon sa Department of Agriculture, ang mga principal beneficiaries sa lalawigan ng Isabela ay nakatanggap ng tig-apat na alagang baboy habang dalawa ang natanggap ng iba pang mga benepisyaryo.
Nasa 116 heads na baboy ang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa mga bayan ng Tumauini, Roxas at Sta. Maria simula Setyembre a – 28.
Una nang naantala ang pamamahagi ng mga alagang baboy dahil sa kakulangan ng supply bunsod ng pagkalat ng african swine fever na lubhang naka-apekto sa mga hog raiser sa Cagayan Valley Region.
Mamamahagi rin ng libreng feeds sa mga benepisyaryo para sa tatlong buwan na pagkain ng kanilang mga alagang baboy.