Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na opisyal na unahin ang tulong medikal sa mga nasalanta ng bagyong odette.
Marami kasi sa mga residente ngayon ang nananatili pa sa mga evacuation center at nangangailangan ng gamot kung saan, ang ilan sa kanila ay nakararanas na ng ubo na delikado kung ito ay kakalat dahil sa masikip na lugar o crowd people sa mga evacuation center.
Ayon ng pangulo, dapat din na mapanatili ang kanilang distansya sa isat isa at pagsuot ng facemaskupang mailayo sa panibagong virus na omicron variant ang isang indibidwal.
Umaasa naman si Pangulo Duterte na makakarating sa lahat ng mga nasalanta ng bagyong Odette ang ipadadalang tulong ng bawat ahensya ng pamahalaan.–Sa panulat ni Angelica Doctolero