Handang-handa na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang ipapamahaging tulong sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Henry.
Tinatayang nasa 1.5 billion pesos stockpiles at standby funds na ang inihanda nito para sa disaster response operations.
Sa naturang pondo, 600 million pesos ang available standby funds sa Central Office at field offices.
Maliban dito, handa na rin ang nasa 500,376 family food packs na nagkakahalaga ng 300 million pesos, iba pang food items na mahigit 180 million pesos at non-food items na nagkakahalaga naman ng 424 million pesos.
Pagtitiyak ng DSWD, naka-preposisyon na sa mga strategic locations sa bansa ang mga relief items.