Tinatayang aabot sa 700 manggagawa sa isla ng Boracay ang mabibigyan ng tulong pinansyal ng Department of Labor and Employment.
Ayon kay Rebecca Geamala, Regional Director 6 ng Department of Social Welfare and Development, hindi magkakatulad ang halaga ng ibinibgay nilang tulong sa mga apektadong manggagawa.
Paliwanag ni Geamala, nakadependa aniya sa pangangailangan ng mga manggagawa ang mga tulong pinansyal na kanilang ibinibigay.
Habang binibigyan nila ng pamasahe pauwi at kanilang ini-endorso sa nakasasakop na DSWD office ang mga manggagawang hindi residente ng Malay, Aklan.
Gayunman, patuloy aniya ang ginagawa nilang assessment sa libu-libong nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara sa naturang isla epektibo nuong Huwebes, Abril 26.