Minaliit ng Department of Budget and Management ang epekto ng pagtanggi ng bansa sa financial aid mula sa European Union (EU).
Ayon kay budget secretary Benjamin Diokno, hindi naman infrastructure projects ang pinopondohan ng financial aid mula sa EU kundi mga trainings at scholarships na kayang kaya nang pondohan ng pamahalaan.
Nilinaw rin ni Diokno na nasa limampung milyon kada taon lamang ang dating tinatanggap na financial aid ng bansa kada taon at hindi 300 million na tulad ng napapaulat.
Ayon kay Diokno, matagal nang paninindigan ng Pangulong Rodrigo Duterte na huwag magpadikta sa kagustuhan ng ibang mga bansa.
Posible rin anya na ginagawang isyu ang pagtanggi ng pilipinas sa financial aid ng EU upang makasakay ito sa kredito dahil sa magandang ekonomiya ngayon ng Pilipinas.
“Ang ganda ng ekonomiya natin, they can choose not to give us aid pero so what? The Philippines is the fastest growing country in the fastest growing region in the world.”
By Len Aguirre