Umaasa si Senador JV Ejercito na maging daan ang ibinigay na tulong teknikal at logistics ng Amerika sa mga sundalong nakikipaglaban sa Marawi City para mapaayos ang relasyon nito sa Pilipinas.
ito’y ayon kay Ejercito ay dahil sa malinaw na hindi naman kaya ng Pilipinas na labanang mag-isa ang terorismo na itinuturing nang pagdaigdigang problema.
Dahil dito aniya, malaki ang pangangailangan na magtulungan ang mga bansa upang labanan ng tuluyan ang banta ng terorismo na naka-a-apekto sa sangkatauhan.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno