Ikinatuwa ng Malakanyang ang ginawang anunsyo ng Amerika kaugnay sa pagkakaloob nito ng isangdaang milyong piso (P100-M), bilang suporta sa “war on drugs” ng Duterte administration.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, patunay lamang ito na tama ang ginagawa ng pamahalaan sa paglaban nito sa iligal na droga sa bansa.
Giit ni Roque, hindi magbibigay ng donasyon si US President Donald Trump kung hindi makatwiran ang ginagawa ng ng administrasyong Duterte sa anti – drug campaign nito.
Nauna rito, inihayag ng Malakanyang na isa si Trump sa mga world leader na nagpakita ng masidhing pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga sa katatapos na 31st ASEAN Summit.