Tinatanaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na utang na loob ang mga tulong na ipinagkaloob ng China sa Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo sa kanilang bilateral meeting ni Chinese Premier Li Keqiang na darating din ang panahon na makababawi ang Pilipinas sa natatanggap nitong kagandahang loob mula sa China.
Sa panig naman ni Li, inihayag nito na suportado ng China ang kampanya ng administrasyong Duterte kontra terorismo.
Kasabay nito, nakahanda din aniya ang kanilang bansa na tumulong sa rehabilitasyon ng Marawi City na labis na naapektuhan ng limang buwang bakbakan.