Isandaan tatlumpu’t anim (136) na Filipino ang apektado ng hurricane Irma sa British Virgin Islands.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, isang team mula sa Office of Migrant Workers Affairs sa pangunguna ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola ang ipadadala sa naturang mga isla.
Ito’y upang magsagawa anya ng emergency relief operations at asikasuhin ang repatriation ng mga stranded na Pinoy.
Ang Five-member team ay sasamahan ng mga personnel mula sa Philippine Consulates General sa New York, San Francisco, Los Angeles at Chicago, U.S.A.
Kasalukuyang nasa Puerto Rico na ang team at naghihintay na lamang ng go-signal para bumiyahe sa Tortola, British Virgin Islands.
Samantala, tiniyak naman ng Chargé D’affaires Patrick Chuasoto ng Philippine Embassy sa miami na walang napaulat na Filipino casualties bunsod ng hurricane Irma sa Florida.
SMW: RPE