Umabot na sa mahigit P1.7M ang halaga ng tulong na naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhang pamilya ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista, nasa 703 na family food packs, 1,406 na ready-to-eat food packs at 703 hygiene kits ang naipamahagi sa bayan ng Agoncillo, Batangas.
565 family food packs naman sa bayan ng laurel sa nasabing lalawigan.
Bukod sa food and non-food items, naglaan din ng financial assistance ang kagawaran sa ilalim ng assistance to individuals in crisis situation program na nagkakahalagang 14K sa pitong benepisyaryo sa bayan ng mataas na Kahoy, Batangas.
Nakikipag-ugnayan naman sa ngayon ang dswd sa mga concerned LGU na i-monitor ang kundisyon ng nasa 2,800 na pamilya o katumbas ng 9,500 indibidwal sa 21 barangay sa naturang lalawigan. – sa panulat ni Airiam Sancho