Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gambling community sa naibibigay nitong salapi sa kaban ng bayan.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa aktibidad ng PAGCOR na isinagawa sa Manila Hotel.
Umapela naman ang Pangulo sa mga nangangasiwa ng ligal na sugal sa bansa na huwag haluan ng katiwalian ang gambling business sa bansa.
Kailangan lang anya ng mga nasa ligal na gambling business na makipag-tulungan sa mga otoridad at isumbong ang mga nang-hihingi ng pera lalo ang mga pulis.
Binalaan din ng punong ehekutibo ang sinumang pulis, kawani ng Bureaus of Internal Revenue at Customs na masasangkot sa korapsyon dahil tiyak na mananagot ang mga ito.