Malaki ang panghihinayang ng Overseas Filipino Worker advocate at senatorial candidate Susan ‘Toots’ Ople sa pagtutuloy ng parusang bitay kay Joselito Zapanta sa saudi Arabia.
Ayon kay Ople, bagama’t tinulungan ng pamahalaan para mailigtas sa tiyak na kamatayan si Joselito, kulang na kulang pa rin aniya ito.
Mismong ang Department of Foreign Affairs aniya ang nagsabi sa Pamilya Zapanta na kailangang makumpleto na ang nalalabing P25 Million bilang blood money.
Mula sa kabuuang P48 Million, nasa P23 Million lamang ang nalikom ng pamilya Zapanta sa tulong na rin ng pamahalaan.
By: Jaymark Dagala