Tiniyak ni Defense Officer-In-Charge and Senior Undersecretary at NDRRMC Chairperson Jose Faustino Jr. na hindi titigil ang gobyerno sa paghahatid ng tulong at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng Bagyong Paeng.
Ayon sa opisyal, inatasan na nito ang lahat ng mga regional agencies ng Office of the Civil Defense na ipagpatuloy ang relief operations sa lahat ng lugar na hinagupit ng bagyo
Nakatakda na rin aniya silang bumisita sa visayas at atasan ang Armed Forces of the Philippines na ihanda ang kanilang land, sea at air asset para sa anumang aktibidad na kailangang gawin pagkatapos ng bagyo.
Dagdag pa nito na hindi natatapos ang pag-aabot ng tulong ng pamahalaan sa Luzon at Mindanao.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang opisyal sa nang mga nasalanta at nawala ng mahal sa buhay dahil sa bagyo. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)