Tinanggap na ng Argentina ang tulong ng Russia hinggil sa paghahanap sa nawawala nilang military submarine sa southern Atlantic noong nakaraang linggo.
Ayon kay President Mauricio Macri, tinawagan siya mismo ni Russian President Vladimir Putin para magpadala ng alalay.
Maliban sa Russia, tumutulong din sa paghahanap sa submarine ng Argentina ang marami pang mga bansa kabilang ang United States o US.
Ang “Ara San Juan” na may 44 na crew ay nawala matapos itong mapa – ulat na nagkaroon ng electric breakdown.