Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa Estados Unidos dahil sa tulong na ibinigay nito sa Pilipinas upang malabanan ang COVID-19 pandemic.
Sa ginawang pakikipagpulong ni Speaker Romualdez kay US Assistant Secretary for East Asian and Pacific Affairs Department Daniel Kriten brink sa Washington DC, sinabi nito na labis ding pinahahalagahan ng Philippine Government ang lahat ng suporta ng Amerika sa Pilipinas.
Ayon sa liderato ng Kamara, nagpapasalamat din sila dahil sa nananatiling matatag ang alyansa ng 2 bansa.
Naniniwala ang house speaker na makatutulong ng malaki ang mas pinahusay na diyalogo sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas upang higit na paigtingin ang pagkakaibigan na nabuo sa mga nakalipas na taon. - sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)