Nagpapasaklolo na ang Caticlan Jetty Port Administration sa Department of Health (DOH) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga South Korean sa isla ng Boracay.
Ito ay sa gitna ng paglaganap ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV) sa South Korea.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, ito ay upang matulungan sila sa screening at monitoring ng mga papasok na dayuhan sa isla ng Boracay.
Ikinukonsidera kasing super peak season ang buwan ng June hanggang August para sa mga Koreanong bumibisita sa isla.
Sa tala ng pantalan, halos 10,000 mga South Korean na ang naitalang bumisita sa isla nito lamang June 1 hanggang June 14 ngayong taon.
By Rianne Briones