May sapat na suplay ng relief packs ang pamahalaan para ipamahagi sa mga pamilyang apektado ng typhoon Nina.
Ito ang pagtitiyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD kasunod na rin inaasahang malaking pinsalang maidudulot ng nasabing bagyo.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, naglalan na sila ng mahigit isang milyong piso para sa mga nasabing food packs kabilang na ang malong, plastic mats, mosquito net, kumot at dignity kits.
Ipinaraan aniya ito sa DSWD Bicol Region na siyang unang nakatikim ng hagupit ng bagyo simula pa kagabi.
By Jaymark Dagala