Aabot sa P10-M halaga ng relief goods ang ipapadala ng Chinese Embassy sa mga apektado ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.
Ang unang batch ng ayuda na nagkakahalaga ng P3.6 milyon ay mula sa Chinese Enterprises Philippines Association.
Ayon sa embahada, malalagpasan din ng mga biktima ng lindol ang dinaranas nilang pagsubok at agad ding makakabangon.
Una nang inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot sa 162,156 families ang apektado ng lindol sa Tayum, Abra na siyang episentro ng lindol.