Hindi ma-a-antala ang tulong na makukuha sa gobyerno ng mga naturukan ng dengvaxia.
Tiniyak ito ni House Appropriations Commitee Chair Karlo Alexei Nograles matapos mabigo ang senado na maipasa sa third reading ang panukalang 1.16 billion peso supplemental budget ng Department of Health para sana sa mga naturukan ng nasabing anti dengue vaccine.
Sinabi ni Nograles na pinayuhan na nila ang DOH na gamitin na pansamantala ang 2018 budget nito hangga’t hindi pa naipapasa sa senado ang nasabing panukala.
Dahil sa bigong paglusot ng panukalang supplemental budget, hindi muna maipatutupad ang mga programa ng DOH para sa mga naturukan ng dengvaxia tulad ng pagkuha sa serbisyo ng dagdag na nurses na magsasagawa ng profiling at monitoring ng mga nabakunahan.
Gayunman, tiwala si Nograles na sa pagbubukas muli ng sesyon ng kongreso sa Hulyo matatalakaya at ma-a-aprubahan na kaagad ng senado ang naturang supplemental budget