Agarang pinakikilos ni Senador Grace Poe ang gobyerno sa pagkawala ng maraming trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Poe hindi lamang mga manggagawa ang apektado kundi maging ang kanilang mga pamilya sa pagkawala ng kanilang trabaho.
Mataas pa rin aniya ang unemployment rate sa bansa at patuloy na nadadagdagan ang mga nawawalan ng trabaho dahil maraming negosyo ang hirap pa ring makaagapay sa sitwasyon.
Tinukoy ni Poe ang mahigit 2,000 empleyado ng Philippine Airlines na madadagdag sa mga walang trabaho sa kalahati ng Marso.
Naiintindihan naman aniya niyang nakadepende sa pagdating ng bakuna ang pagpapasigla ng ekonomiya subalit dapat na doblehin ng gobyerno ang effort nito para matulungan ang mga nawawalan ng trabaho.