Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang kanilang pondo para sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong Paeng at pagdating ng iba pang kalamidad sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Edu Punay, Undersecretary ng DSWD, may natitira pa silang 1.2 billion pesos na kabuuang resources, stockpiles at stand-by funds na gagamitin hanggang Disyembre.
Mula dito, gumastos na ang DSWD ng 69 million pesos bilang relief assistance.
Kung sakaling maubos ang natitirang pondo, nakahanda ang DSWD na dagdagan ito para sa pagtugon sa iba pang kalamidad.