Tiniyak ng Malakaniyang na mapupunta sa pamilya ng mga sundalong nasawi at nasugatan ang donasyon ng publiko mula sa mga bank accounts na binuksan ng AFP.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla may transparency para sa mga naturang donasyon at bumuo na rin sila ng komite na tututok sa paggamit nito.
Sa ngayon ay nasa 3.2 Million Pesos na ang donasyon para sa mga sundalong naging casualty sa Marawi City Siege bukod sa hiwalay na 11,000 Pisong nalikom ng isang airline company para sa mga sundalo.
Mayruon na ring mahigit pitong daang libong pisong donasyon para sa mga evbacuee na naapektuhan ng giyera sa marawi city habang tuluy tuloy namana ng pagtanggap ng deposito sa landbank.
Sinabi naman ni padilla na dfa, dswd at department of finance ang nangangasiwa sa mga suportang pumapasok mula sa ibang bansa.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Tulong para sa mga sundalong nasawi at nasugatan sa Marawi tiniyak ng Palasyo was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882