Nagpahayag ng pag-asa si Marawi Bisho Edwin Dela Peña na matutuldukan na sa lalong madaling panahon ang krisis na nagpapatuloy sa Marawi City.
Ayon sa obispo, malaki ang kaniyang pananalig na maibabalik agad ng pamahalaan ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lungsod.
Nais na aniya ng mga residente na maka-uwi sa kani-kanilang mga nasirang tahanan upang bumangon at makapagsimulang muli sa kanilang buhay.
Kasunod nito, umapela naman sa publiko si Caritas Philippines Chairman at Nueva Caseres Archbishop Rolando Tria Tirona na patuloy na magpadala ng tulong para sa mga kababayang taga-Marawi na nagsilikas dahil sa kaguluhan.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco