Nag-alok ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa naiwang pamilya ng nasawing painter na si Bree Jonson matapos matagpuang wala nang buhay sa loob ng banyo sa isang hotel room sa La Union.
Ayon sa lawyer ng pamilya Jonson na si Atty. Ma. Moreni Salandanan, si Pangulong Duterte din ang nakipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation o NBI para tumulong sa pag-iimbestiga sa naturang kaso.
Isinasagawa na ng NBI ang second autopsy at isang parallel investigation sa nangyaring insidente.
Una nang sinabi ng pnp na ang 30-year old artist ay namatay dahil sa asphyxia at nagpositibo sa paggamit ng cocaine pero naniniwala pa rin ang ina ni Bree na may iba pang dahilan sa pagkamatay ng kaniyang anak.
Sa ngayon patuloy paring umaasa ang pamilya Jonson na makakamit nila ang katotohanan sa nangyaring krimen.—sa panulat ni Angelica Doctolero