Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tulong pinansiyal at medikal para sa pitong sundalong nasugatan makaraang tambangan ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Brgy. Magsaysay, Mapanas, Northern Samar.
Ayon sa AFP, kanilang sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima at ibibigay ang nararapat na benepisyo at insurance ng mga sugatang sundalo.
Bukod pa dito ang mga ibibigay na tulong ng Local Government Unit ng Northern Samar, at iba pang departmento ng pamahalaan.
Ayon kay Captain Ryan Layug, tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, hindi muna pinangalanan ang mga sundalo, dahil ipinapaalam pa nila sa mga pamilya nito ang naganap na insidente.