Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinutulungan ng pamahalaan ang 9 na Pinoy na pinatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo sa Malaysia.
Kabilang sa mga sinentensiyahan ang 53-taong gulang na si Amir Bahar Hushin Kiram, pamangkin ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.
Bukod kay Kiram, kasama rin sa mga ito sina Atik Hussin Abu Bakar, Basad Manuel, Ismail Yasin, Virgilio Nemar Patulada alias Mohammad, Salib Akhmad Emali, Al Wazir Osman, Tani Lahad Dahi at Julham Rashid.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, simula pa noong 2013 ay tinutulungan ng isang pribadong abogado ang mga akusado at gayundin sa pagsisimula ng trial proceedings noong January 2014.
Aniya, ang Philippine Embassy sa Kuala Lumpur ang kumuha ng abogado at binarayan ito ng Philippine government.
By Jelbert Perdez