Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mapagkakalooban ng tulong ang lahat ng mga naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Ayon sa punong ehekutibo, dapat na mabigyan din ng tulong partikular ng relief goods at malinis na tubig, ang mga mamamayan na wala sa mga evacuation center.
Giit ng pangulo, may mga lugar na walang evacuation centers kaya’t dapat ding kumilos ang mga lokal na pamahalaan at makipagtulungan sa DSWD.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 339,051 pamilya o 1.174 milyong indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Paeng.