Nakahandang mag-abot ng tulong ang Office of the Civil Defense sa mga lokal na pamahalaang maaapektuhan ng bagyong Kabayan.
Ito ang kinumpirma ni OCD Undersecretary Ariel Nepomuceno matapos mag-landfall ang bagyo sa Davao Oriental.
Kaugnay nito, sinabi ni Usec. Nepomuceno na naka-activate na ang emergency preparedness and response protocols ng ahensya sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Kabilang sa mga protocol ang pagpapakalat ng mga babala. Pagsasagwa ng preemptive evacuation at paghahanda ng resources.
Samantala, naka-red alert na ang NDRRM Operations Center kung saan pinaghahanda na ang mga tauhan para sa agarang pagresponde sa sakuna. - sa panulat ni Maianne Palma