Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na tutulungan ng gobyerno ang mga maaapektuhan ng planong total closure ng isla ng Boracay, sa Malay, Aklan.
Ayon kay Tourism Undersecretary Ricky Alegre, puspusan na ang pakikipag-ugnayan ng Inter-Agency Task Force na binubuo ng Departments of Tourism, Interior and Local Government at Environment and Natural Resources sa lokal na pamahalaan ng Aklan at iba pang stakeholders.
Mayroon din aniyang ilalaan na pondo para sa mga maaapektuhan ng ikinakasang deklarasyon ng state of calamity kasabay ng pansamantalang pagpapasara sa pangunahing island-tourist destination sa bansa.
Gayunman, nilinaw ni Alegre na wala pang eksaktong petsa kung kailan sisimulang ipasara ang Boracay.
“The Inter-Agency Task Force will recommend a closure date, ang closure date is dependent doon sa declaration ng state of calamity, immediately, siyempre unang-una kailangang we should work with the local stakeholders para ma-minimize ‘yung impact, alam naming magkakaroon ng impact, alam namin na kailangang paghandaan ‘yan, ang kagandahan lang sa pagkakaroon ng state of calamity ay meron ding pondong magagamit para matulungan ang mga maaapektuhan.” Pahayag ni Alegre
(Ratsada Balita Interview)