Tiniyak ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang suporta para sa mga magsasakang apektado ng pagbaha sa Agusan del Sur.
Ayon kay Piñol, ipinag-utos na niya ang agarang pag-release sa assistance para sa mga nasabing magsasaka dahil sa pinsalang idinulot ng baha sa kanilang mga pananim at alagang hayop.
Tiniyak ng kalihim na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga magsasaka kaya’t maglalaan ang DA ng tinatayang tatlundaang (300) milyong piso para sa mga apektado.
Sa Caraga Region pa lamang, aabot na sa 110 million pesos ang halaga ng pinsalang dulot ng baha sa agrikultura.
By Drew Nacino