Namahagi ang Department of Agriculture (DA) ng tig – P5,000 ayuda para sa mahigit 1,000 magsasaka sa iba’t ibang lugar sa Davao City.
Ito’y bilang bahagi ng nagpapatuloy na pag-ayuda ng kagawaran sa mga magsasaka katuwang ang Landbank of the Philippines na sinimulan nuong isang taon.
Ayon sa DA, aabot sa P68 milyong ang kanilang naipamahaging tulong sa mga magsasaka na labis na naapektuhan ng mababang bentahan ng palay nuong 2019 dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa kasalukuyan, aabot na sa P9 milyong ang kabuuang naipamahagi sa halos 2,000 farmer beneficiaries sa iba’t ibang lugar sa Davao Region.