Tiniyak ng Department of Agriculture o DA ang tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng habagat at bagyong Josie sa Pangasinan.
Sa pagbisita sa lalawigan ni Agriculture Secretary Manny Piñol, nangako ang kalihim na makakabawi ang mga magsasaka sa pamamagitan ng mga ibibigay na binhi at abono para sa mga ito.
Napag-alamang mayroong buffer stock ang DA ng iba’t-ibang klase ng binhi na maaaring maipamigay sa mga magsasaka.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, aabot sa tatlongdaan at animnapu’t isang (361) milyong piso ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Ifugao, Aklan, Negros Occidental, Occidental Mindoro, Calabarzon, Pampanga, Bataan, Cagayan at Pangasinan.
—-