Nag-alok ng tulong ang Employee’s Compensation Commission (ECC) sa mga manggagawang sugatan, nagkakasakit at namamatay sa gitna ng trabaho sa pamamagitan ng Employee’s Compensation Program.
Ayon kay ECC OIC Executive Director, Engr. Jose Maria Batino, kabilang sa mga kwalipikado ang lahat ng compulsory members ng Government Service Insurance System (GSIS), mga unipormadong tauhan ng Armed forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang ahensya.
Maaari namang makakuha ng hanggang 480 pesos ang mga empleyado ng pribadong sektor kada araw para sa kanilang sickness benefit.
Habang 200 pesos kada araw na sickness benefit naman ang maaaring i-claim ng mga empleyado ng gobyerno.
Samantala, inaatasan din ang mga kumpanya na mag-aplay para sa tulong sa kalamidad sa ngalan ng mga empleyado sa pamamagitan ng MySS account.
Maaari namang ihain ang mga sickness at disabilities claims sa online website ng social services ngunit ang mga serbisyong medikal at libing ay kinakailangang pisikal na ilapit sa mga SSS branches. - sa panulat ni Hannah Oledan