Inilatag ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) ang paraan nito para maipabatid sa pamilya ng mga persons deprived of liberty (PDL’s) ang kani-kanilang kalagayan sa loob ng piitan.
Ayon kay House Appropriations Vice Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na sponsor ng budget ng DOJ para sa susunod na taon, gumagamit na aniya ito ng CCTV’s at tablets na nakatutulong sa pag-uusap ng mga PDL’s at mga kaanak nito.
Kasunod nito, nanawagan naman si Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite na sana’y gawin nang ‘uniform’ o magkakapareho ang mga polisiyang ito lalo’t iba’t-iba rin ang mga ipinatutupad na alituntunin sa mga bilangguan sa bansa.
Mababatid na sa ngayon, ay pansamantala munang hindi pinapayagan ng DOJ at BuCor ang pagpapapasok ng mga essentials gaya ng gamot dahil tinututukan naman aniya nila ang kalusugan ng bawat PDL’s na nasa kanilang pangangalaga.