Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang administrasyon dahil sa aniya’y mabagal na pag-aabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Nina sa lalawigan ng Camarines Sur na kanyang baluwarte.
Ginawa ng Bise Presidente ang pahayag kasunod ng kanyang pagbisita sa kanyang mga kababayan na sinalanta ng bagyo isang araw matapos itong magbalik bansa mula sa kanyang bakasyon sa Amerika.
Partikular na tinungo ni Robredo ang Barangay New Moriones sa bayan ng Ocampo gayundin sa bayan ng Pili na kanyang pinagsilbihan bilang kongresista.
Sinabi ni Robredo na batay sa kanyang pakikipag-usap sa mga kababayan nito, na may sampung libong (10,000) pamilya pa mula sa isandaan at apatnapu’t limang (145) barangay ang hindi pa naaabot ng tulong ng gobyerno maliban sa mga relief goods na ipinamahagi ng kanyang tanggapan.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: OVP