Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong sa pamilya ng nasawing Pinay seafarer habang naghihintay makabalik ng bansa.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inatasan na niya ang OWWA at ang licensed manning agency ng Pinay na kaagad makipag ugnayan sa pamilya nito para kaagad ding maibigay ang suporta, tulong at benepisyo sa mga ito.
Ang nasabing pinay aniya ay umalis ng bansa nuong Marso 2019 para mag trabaho sa isang cruise ship.