Nakatanggap ng financial aid ang mga taga ika-4 na distrito ng Nueva Ecija na naapektuhan ng pananalasa ng nagdaang Bagyong Karding.
Maliban kasi sa mga construction materials, food package at mga bigas na ipinamahagi sa mga biktima ng bagyo, nakatanggap pa sila ng tig-P 3,000 mula sa tanggapan ni Nueva Ecija 4th District Rep. Emeng Pascual.
Ayon kay Cong. Pascual, kesa maghanda sa kanyang kaarawan noong Oktubre 19, mas pinili aniyang magtungo sa mga naapektuhan ng kalamidad at maging sa mga kapus palad upang magbigay ng tulong pinansyal.
Tiniyak naman ng kongresista na gagawin nila ang lahat upang maipadama at maipaabot sa kanilang mga kababayan o mga constituents ang mga proyekto at programa ng pamahalaan. - sa ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17).