Ibinabala ng mga militante ang patuloy na pagkakasa ng mga kilos-protesta bilang pangangalampag sa pamahalaan.
Ito’y upang ipanawagan sa Kongreso partikular na sa makapangyarihang Commission on Appointments na kumpirmahin na ang nominasyon kay Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano bilang kalihim ng DAR o Department of Agrarian Reform.
Ayon kay Tonying Flores, Secretary General ng KMP o Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, hindi nila tatantanan ang administrasyong Duterte hangga’t hindi nakukumpirma si Mariano.
Tuloy pa rin aniya ang kanilang pakikibaka laban sa mga hacienda, plantasyon at naglalakihang minahan sa bansa na pinatatakbo ng mga oligarko at pulitiko.
Nakatakdang muling sumalang sa CA hearing ngayong araw si Mariano.
By Jaymark Dagala