Tiniyak ng tanggapan ng OPAPP o Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na patuloy silang maghahanap ng paraan upang matamo ang ganap na kapayapaan sa bansa.
Ginawa ni Secretary Jesus Dureza ang pagtiyak makaraang ipakansela ng Pangulong Rodrigo Duterte ang back channel talks sa komunistang grupo matapos maglunsad ng serye ng pag atake sa Mindanao ang NPA o New People’s Army.
Ayon kay Dureza, nakatakda sana nilang talakayin sa back channel talks ang bilateral ceasefire upang mapigilan na ang paglulunsad ng karahasan ng NPA.
Gayunman, positibo pa rin si Dureza na pansamantala lamang ang set back na ito sa pakikipag-usap sa komunistang grupo.
“This is the farthest we have done in a short period of time, timeline naman natin on the part of OPAPP, on my part is as soon as possible, pero hindi madali dahil there are four agenda items in the negotiations, saan tayo ngayon, we have done the first agenda item in 1998, matagal na yun so we’re working now on three agenda items.” Ani Dureza
BBL and MNLF
Hindi sakop ng BBL o Bansamoro Basic Law ang MNLF o Moro National Liberation Front na pinamumunuan ni Chairman Nur Misuari.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, sa ngayon ay hindi pa puwedeng pagsamahin sa iisang kasunduan ang MNLF at ang MILF o Moro Islamic Liberation Front na syang masasakupan ng BBL.
Gayunman, ipinahiwatig ni Dureza na mas interesado si Misuari na magkaroon ng katuparan ang pederalismo kaysa bumuo ng batas na tulad ng BBL.
“Ang end talaga dito is federalism, kaya ang BBL ng MILF kapag pumasa yan can be a starting point to a Bangsamoro Federal State kapag dumating na tayo sa federalism, opening up the constitution, so pinalawak na natin ngayon in the road map of the President we should meet finally a shift to a federal set up for the country.” Pahayag ni Dureza
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)
Tuloy ang trabaho sa peace negotiations—Dureza was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882