Kinuwestyon ni Senadora Leila De Lima ang pag-isyu ng Warrant of arrest laban sa kanya gayung diringgin pa sana sa Pebrero 24 ang mga mosyon na inihain ng kanyang mga abogado.
Sa katunayan, mismong ang Department of Justice (DOJ) pa, aniya, ang humiling na ireset sa susunod na Biyernes, March 3, ang pagdinig sa kanyang motions to quash laban sa mga kasong isinampa nito na may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senadora Leila De Lima
Sa naging punong balitaan ni de lima, sinabi niyang 7:20 na ng gabi pero wala pa ring inihahaing warrant of arrest sa kanya, kaya humiling ang senadora na makauwi muna siya.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senadora Leila De Lima
Nangako ang senadora na babalik sa senado at haharapin ang pag-aresto sa kanya.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senadora Leila De Lima
Sen. De Lima humiling ng dasal sa publiko para sa kanyang kaligtasan at seguridad
Inihayag ni Senadora Leila De Lima na hindi niya alam kung saan siya ikukulong.
Dahil dito, humiling ng dasal sa publiko ang senadora para sa kanyang kaligtasan at seguridad.
Sa kanyang punong balitaan sa senado makaraang maisyu ang order of arrest at warrant of arrest laban sa kanya, pinasalamatan ni De Lima ang kanyang mga kasamahan sa Liberal Party na sina Senador Frank Drilon, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, at Risa Hontiveros para sa kanilang suporta sa kanya.
Sinabi ni De Lima na bahala na ang kanyang mga abogado para hanapan ang ligal na remedyo ang aniya’y kwestyonableng pagkaka-isyu ng order of arrest at warrant of arrest laban sa kanya.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senadora Leila De Lima
By Avee Devierte