Tuloy-tuloy ang “Build, Build, Build” program ng gobyerno.
Ito’y ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa kabila ng banta ng COVID-19.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagmalaki ni Tugade ang mga nagpapatuloy at natapos nang infrastructure projects tulad ng bagong passenger terminal building sa Calbayog Airport kung saan mula sa 176 ay nasa 450 na ang kapasidad nito.
Aniya, inaasahan ding makukumpleto na sa Hunyo o Hulyo ngayong taon ang Clark International Airport Terminal habang inaasahan namang aarangkada na ang operasyon ng Bicol International Airport bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ipinagmalaki rin ni Tugade ang ipinatatayo nitong bagong pantalan sa Port of Tagbilaran na pinasinayaan na noong Miyerkules.