Siniguro ni Philippine Red Cross (PRC) Quezon City chapter administrator Ms. Janice Adolfo na hindi humihinto at tuloy-tuloy pa rin ang COVID-19 booster vaccination ng ahensya.
‘’Tuloy-tuloy ang ating Covid-19 booster vaccination, para sa mga hindi pa nabakunahan pumunta po tayo sa Philippine Red Cross sa ating molecular laboratory na nasa Mandaluyong EDSA po, open po yun every monday to friday 9 to 5pm at sabado 9 to 3pm. Magpabooster pa tayo para alam mo na iwas infection na mapagaan, makuha mo man yung COVID… mahina ang kanyang epekto.’’
Bukod pa rito tuloy pa rin anila ang Bakuna Bus para mabakunahan ang mga komunidad sa kani-kanilang mga Barangay na partner ng SM Foundation.
‘’Ibinababa din namin Sir ang aming Bakuna bus pag nagrequest si SM Foundation, SMDC, na sa ganitong residences ay pumupunta po ang Red Cross para mabakunahan ang lahat ng community sa kanilang residences o barangay na partner ng SM Foundation or SMDC …”
Panawagan naman ni SMFI executive director for Health and Medical programs Connie Angeles na huwag nang sayangin ang pagkakataon para sa libreng bakuna laban sa Covid-19
”Samantalahin na po natin, ang dami na pong nasayang na mga vaccine so sasayangin pa ba natin itong opportunity na ito na ibinibigay sa atin na libre na, pumunta nalang kayo doon sa mga centers kung saan kayo mabibigyan ng libreng bakuna at kayo ay magiging safe pa..”
Iyan ang magkasunod na tinig nina PRC Quezon City Chapter Administrator Ms. Janice Adolfo at SMFI Executive Director for Health and Medical Programs Connie Angeles sa panayam ng DWIZ